This month was hell. Ewan ko ba. Andami-daming issue. Meron kasi akong isang BESTFRIEND. Simula first year, magkasama na kami sa galaan. Hindi ko alam kung bakit. Magka-iba kasi kami ng section. Palagi pang nagtatalo ang section namin. Pero naging magkaibigan kami. Yung mga oras na yun, sooooooooobrang na-pogian ako sa kanya. Pero hindi ko siya crush. Nangibabaw lang tlga siya sa mga boys ng marisci.
Nung first year kami, palagi kaming naglalaro ng volleyball. Newton and Galileo people+Kuya Irvine. Ang mga taong walang magawa nga grupo namin eh. Sta. Lu hanggang RP hanggang SC hanggang SMMar hanggang SCHOOL! Kami magkakasama palagi. Lalo na nung intrams 2010-2011. :(( Mamimiss ko yung mga oras na hindi kami nawalan ng kwento. Yung mga oras ng tawanan namin, asaran at mga paglalaro.
Mamimiss ko yung halos linggo-linggo na pagsSC namin na isang yayaan lang sknya, papayag agad. Mamimiss ko TALAGA yun noh. Kahit di kami ganun kaclose last year, ngayong year, medyo mas comfortable na kami na mag-asaran. Pero, kung kelan okay na, tsaka naman siya mawawala. Masyado kasing epic 'tong issue na to eh. Kaya nga gumawa ng closed group, para walang lalabas. Pinagkatiwalaan namin yung mga member dun kasi kabatch naman namin. Pero anong ginawa? Linantad.
Madaming nadamay. May mga masususpend. PERO si Rico? Maaalis. Masyado naman yatang unfair to. Kung sino pa pinaka-close ko, siya pa mawawala?! Napag-usapan na ng teachers, matatanggal siya. Nung nalaman ko yun, di ko alam gagawin ko. Masyado ko siyang mamimiss. Kinabukasan, hindi daw pumasok. Masyado talaga akong kinabahan. Di ko alam kung malulungkot o matatakot ba ako o hindi ko nlng papansinin. Pero kanina, hindi pa rin pumasok. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi kasi nagoOL. Hindi ko alam kung bakit, umiyak ako kani-kanina lang. Nalaman ko kasing pupunta siya bukas. Sana makausap ko na. :(( Yung promise niyang kwento, hindi niya pa nakukwento. Sana talaga walang hadlang para makausap siya. Mamimiss ko tlga 'tong kumag na to. Walang biro.
Sana kasi hindi na lang nagmaang maangan yung mga nagsumbong. Sana walang ganito. Sana walang maaalis. Sana hindi tayo nabawasan. Sana kumpleto pa tayo. SANA WALA PANG GALIT ANG TEACHERS SA ATIN KUNG HINDI NIYO GINAWA TO.
No comments:
Post a Comment